Takot
by Bianca Rei
tuwi-tuwina'y larawan mo ang tinitignan
kung 'di nama'y, imahe mo ang nasa isipan
pinilit ko na ikaw ay aking kalimutan
ngunit sadyang nagpupumilit ang aking nararamdaman
sumulyap ako sa kawalan at mga mata mo ang napagmasdan
ipinikit ko ang aking mga mata at ngiti mo ang nakita
ibinaling ko ang tuon sa musika at boses mo ang naalala
sumulat ako ng tula at tungkol sa'yo ang nailathala
kinakabahan akong tumagal ang pakiramdam na ito
ikinababahala ko ang paglalim ng pagtingin ko
ayoko sanang mahulog ng tuluyan sa iyo
dahil sa takot kong wala na namang patunguhan ito
natuto na dapat ako sa mga naranasan ko
mga pangyayaring matagal ko nang naitago
umibig ng lubusan at kalauna'y nabigo
mga alaalang sa isipan ay binura ko
ipinangako ko sa isang kaibigan na ito'y di magiging seryoso
ngunit mukhang sa huli'y pangako ko'y mapapako
di ko inasahang pagtingin ay lumalim pa kaysa sa naumpisahan
ang pag-usbong ng pag-ibig na ito'y maaaring di ko mapigilan
(written on May 29, 2009)
No comments:
Post a Comment